Showing posts with label Rebyu. Show all posts
Showing posts with label Rebyu. Show all posts

The Green Knight





Pinanood ko yung 'The Green Knight' kagabi. Maganda naman siya. Maganda si Alicia Vikander, hehe. Pero in all fairness, mahusay yung pagkakagawa, cinematography, location, costume, kumbaga yung medieval feels talaga ay kuhang-kuha, lalo at ang setting ay noong panahon ni King Arthur. May mga tanong at ilang observations lang tungkol dito.

Una, bakit sinummon ng nanay ni Gawain (na isang witch) yung green knight para makipaglaro? Gagamitin ba niya si green knight para patayin ang kapatid nyang si King Arthur, kasi feeling niya papatusin niya yung offer ng green knight na laro? Tapos hindi niya inakala na yung anak pala niya mismo ang makikipaglaro?

O di kaya naman, alam siguro niya na anak niya ang papatos ng offer para pampabango sa uncle niya; para kapag nanalo siya sa laro ay malaki ang chance na siya ang susunod na maging hari?

Medyo confused ako sa part na iyon. Kasi ang nagsulat nung laro ay yung nanay niya mismo tapos binigay lang ng green knight sa hari. Diba.

Pangalawa, napaka-mysterious ng mag-asawa na nakilala ng bida. Yung Lord, mahilig mangaso, tapos parang nadulas pa sya dun sa movie about dun sa quest ng bida. Yung Lady naman, kamukhang-kamukha nung jowa niya. Tapos, sino yung bulag na matanda na kasama nila sa kastilyo? Parang hindi naman kaano-ano nung mag-asawa, di nga nila pinapansin, pero kasama nila lagi sa pagkain. Hindi din naman kasi mukhang kasambahay.

Isa pa, puzzled ako dun sa mga higante. Sabagay, panahon iyon ni King Arthur; maraming mga weird creatures at weird na mga kaganapan. Yung green knight na nga lang eh.

Maganda yung pelikula. Hindi siya yung mahirap i-digest, yun nga lang hindi ito pambata kasi may mga eksenang hindi talaga pambata. Pero kung naghahanap kayo ng maayos na papanoorin ngayong quarantine, try nyo 'to.


Edit: Nasagot na pala ang tanong ko. Well, sort of nasagot ng Wikipedia... pero siyempre, Wikipedia yun eh. Pero according to Wikipedia nga, mukhang nasagot yung dalawa kong observation. Sa unang observation, parang supposed to be si King Arthur talaga ang papatos dun sa offer ni green knight kaya unexpected nung yung anak nya ang nagpresent. Kaya pala nung aalis na si Gawain ay ginawan nya ito ng anting-anting para di siya masaktan.

Pangalawa, yung Lord pala at si green knight ay iisa lang. At yung laro ay isang pagsubok sa mga knights na pakana ng kapatid ni King Arthur... which is yung nanay mismo ni Gawain.

Siyempre, may variation dun sa movie at sa mismong poem. Pero at least, nalinawan na ako sa istorya.

https://en.wikipedia.org/wiki/Sir_Gawain_and_the_Green_Knight